Para sa mga Katolico

KAPATAWARAN

“Sa pangalan ni Cristo Jesus, kung sinuman ang maniwala sa Kaniya ay makakatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan.” Mga Gawa 10:43.

Dahil sa ang kasalanan ay ang pagsuway sa utos ng Diyos, tanging ang Diyos lamang ang makakapagpatawad ng kasalanan. Nang makagawa si David ng malalang kasalanan natagpuan niya ang kapayapaan pagkatapos niya itong aminin sa Diyos. ‘Ipahahayag ko ang aking paglabag sa Panginoon, at iyong ipinatawad ang bigat ng aking kasalanan.’ (Mga Awit 32:5).

Binago din ng tradisyon ang katuruan ng Bibliya. Kinuha ng mga paring katoliko ang kapangyarihan na humusga sa mga makasalanan at magbigay o hindi magbigay ng absolution (isang salita ng mga hukom na tumutukoy sa kapatawaran). Karamihan sa mga katoliko ay tinuruan na si Jesus ang nagtatag ng sakramento ng penance, ng sinabi niya sa mga apostol: “Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.” (Juan 20:23)

Maliwanag na binigyan sila ng kapangyarihan upang magpatawad. Nguni’t dapat nating itanong, anong klaseng kapangyarihan ang ibinigay sa kanila? Ginawa ba silang mga hukom? O binigyan ba sila ng utos na magpatawad ng kasalanan sa ibang paraan? Maliwanag ang sagot kung titingnan natin ang Mga Gawa ng mga Apostol at ang iba pang bahagi ng Bagong Tipan. Walang katibayan sa Bibliya na ang mga apostol ay duminig ng kumpisal o nagbigay ng absolution . Sa halip ipinangaral nila ang Mabuting Balita at hinimok ang mga tao na magsisi at maniwala kay Jesus upang makaranas ng kapatawaran. Ipinangaral ni Apostol Pedro, “Siya ang pinatotohanan ng lahat ng mga propeta, na ang bawat sumasampalataya sa kanya ay makakatanggap ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng Kaniyang pangalan.” (Mga Gawa 10:43); at ipinangaral ng Apostol Pablo, “Kaya mga kapatid, maging hayag nawa sa inyo na sa pamamagitan ng taong ito’y ipinahahayag sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan; at sa pamamagitan niya ang bawat nananampalataya ay pinlalaya sa lahat ng bagay, kung saan hindi kayo kayang ariing-ganap ng kautusan ni Moises.” (Mga Gawa 13:38,39)

Kung nais mo ang kapatawaran ng Diyos para sa iyong mga kasalanan, manampalataya ka sa Panginoong Jesu-Cristo at ikaw ay maliligtas.

Dapat ihayag ng mga Kristyano ang kanilang mga kasalanan. Subalit hindi nila ito dapat ihayag sa isang katolikong pari. Ang pagkumpisal sa isang pari ay gawa ng tao na ginawa lamang pagkatapos ng ilang daang taon mula noong namatay si Cristo. Malinaw na tinuturo sa atin ni Jesus na dapat ay manalangin tayo sa Ama, “Ama naming nasa langit…patawarin Ninyo kami sa aming aming mga sala, gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin. (Mateo 6:9,12)

Mayroon pang isang malaking kamalian ng relihiyong Katoliko patungkol sa kapatawaran. Itinuturo ng iglesiya na ang kapatawaran ng Diyos ay hindi ganap, hindi kompleto. Pagkatapos mapatawad ang isang tao, kailangan pa niyang gumawa ng mga bagay-bagay para malubos ang kapatawaran ng kasalanan. Kahit na sa pagkatapos ng kamatayan, karamihan sa mga Katoliko ay umaasa na malilinis sila sa Purgatoryo.

Tinitiyak ng Bibliya sa mga mananampalataya na “ang inyong mga kasalanan ay napatawad na dahil sa kanyang pangalan” at “ang dugo ni Jesus na kanyang Anak ang lumilinis sa atin sa lahat ng kasalanan.’ (1 Juan 2:12; 1;7). Hindi na kailangan pang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kasalanan sapagka’t ito ay ginawa na ni Cristo, at hindi na kailangan pang pumunta sa purgatoryo kung napatawad na ang kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.

Nagtitiwala ang mga Kristyano sa Panginoong Jesu-Cristo para sa kapatawaran. Dahil sa alam nilang sila’y napawalang sala na, sila ay namumuhay ng may pagpapasalamat at utang na loob para sa Kaniya na naawa sa kanila.

<  >