Para sa mga Katolico

HANDOG PARA SA KASALANAN

“Si Cristo’y minsang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng marami.” (Hebreo 9:28)

Bilang mga tao, tayo ay may tungkulin na sumunod at mahalin ang Lumikha sa atin. Subali’t mula pa noong una pa man tayo ay sumuway sa Kaniya, at dahil sa ating mga kasalanan, tayo ay nahatulan ng kamatayan sa impiyerno.

May isang paraan lang upang makatakas dito, gaya ng sinabi sa Bibliya, “kung walang pagdanak ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan.’ (Hebreo 9:22). Sa Lumang Tipan, inutusan ng Diyos ang kaniyang mga tao na mag-alay ng mga hayop sa altar bilang handog sa Kaniya. Ito ay upang turuan sila ng dalawang simpleng katotohanan. Una, ang kasalanan ay dapat maparusahan. Ikalawa, ang makasalanan ay mapapalaya lamang kung mayroong ibang naparasuhan sa halip niya, para sa kaniyang kasalanan. Ito ay naglalarawan sa pag-aalay ng Panginoong Jesus, ang ‘Kordero ng Diyos, ng kaniyang buhay sa krus ng kalbaryo maraming taon pa ang lumipas.

“Sapagka’t si Cristo man ay minsang nagdusa dahil sa mga kasalanan - ang isang matuwid para sa mga di matuwid - upang tayo’y madala niya sa Diyos.” (1 Pedro 3:18)

Inako ni Cristo, na perpekto at walang kasalanan, ang kasalanan ng kaniyang mga tao at siya’y naghirap at namatay sa krus upang bayaran ang parusa na hinihingi ng batas ng Diyos para sa kasalanan. Sa pagpapalaya sa kanilang mga kasalanan, ang mga alagad niya ay maaari nang lumapit sa Kaniya ng walang pangamba. Niligtas ni Cristo ang mga tao niya mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng kaniyang sarili sa krus.

Isang araw bago siya’y ipinagkanulo, itinakda ni Jesus ang “Banal na Hapunan” (The Lord’s Supper) upang ang kaniyang mga alagad ay patuloy na alalahanin siya at ang kaniyang sakripisyo hanggang sa kaniyang pagbabalik muli. Nakakalungkot kung paano binago ng tradisyon ang ganitong kahulugan. Itinuturo ng Iglesiya Katolika na ang tinapay at inumin ay nababago at nagiging tunay na katawan at dugo ni Cristo. Totoo na sinabi ni Jesus, ‘Ito ang aking katawan… Ito ang aking dugo.” Subali’t sa bawa’t pagkakataon ay Kaniyang idinadagdag, “Gawin ninyo ito sa pagala-ala sa akin.” Ang tinapay at inumin ay simbolo ng Kaniyang sakripisyo sa krus ng kalbaryo.

Isang mas malalang kamaliang itinuturo ng iglesiya Katolika ay ang misa ay sakripisyo para sa kasalanan. Sinasabi na ang misa raw ay ang parehong sakripisyo ni Cristo sapagka’t pinagpapatuloy raw nito hanggang sa ngayon ang pag-aalay sa krus. Ang katuruang ito ay sumasalungat sa malinaw na katuruan ng Bibliya.

Si Cristo ay pumasok sa “mismong langit, upang dumulog ngayon sa harapan ng Diyos para sa atin. Hindi upang ihandog na paulit-ulit ang kaniyang sarilir, gaya ng pinakapunong saserdote na pumapasok sa Dakong Banal taun-taon na may dalang dugo na hindi mula sa kanya, sapagkat kung gayon ay kailangan siyang paulit-ulit na maghirap mula pa nang lalangin anag sanlibutan. Subalit ngayon, minsanan siyang nahayag sa katapusan ng panahon para sa pag-aalis ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang sarili. . . . si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami . . . ” (Hebreo 9:24-28)

Ang araw-araw na sakripisyo ng misa ay nagpapakita lamang ng natitirang kasalanan. Sa Biblical Christianity wala na dapat pang sakripisyo para sa kasalanan sapagka’t ang mga Kristyano ay makakaasa na ang kanilang mga kasalanan ay napatawad na sa panghabang- panahon. Inihayag ng Diyos: “‘Ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.’ At kung saan may kapatawaran ng mga ito, ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.” (Hebreo 10:17,18)

Panalangin ko na hindi ka na magpapatuloy sa pagtitiwala sa mga sakripisyo at paghahandog na gawa ng tao, sa halip ay lumapit ka mismo sa Diyos na nagtitiwala sa tanging sakripisyong ginawa ni Cristo sa krus.

<  >